Para sa mga hindi nakakaalam at bago lang sa aming channel, kami ang isa sa pinakamabagal, pinaka makupad at pinakamatagal maglibot ng Pilipinas. Kasama ang aking anak at asawa pati na ang aming tatlong aso, tumira kami sa isang jeep at niyakap ang buhay sa loob nito.

Isang taon at syam na buwan buhat ng simulan naming buuhin ang bahay jeep ngunit ikaanim na buwan pa lamng mula ng aming full time na tirahan ito at nagpasyang iwan ang aming bahay at buhay sa Dasma, Cavite.

Sa video na tio ipapaliwanag ko sa inyo kung paano ang cr situation namin, paano ang kuryente at tubig namin at kung may bills pa ba kaming binabayaran kahit umaandar naman ang bahay namin.

Sa aming journey, hindi lahat pleasing to the eyes ang aming tanawin, nandyan ang walang sawang kalat sa loob ng jeep at walang katapusang pagliligpit.

Ayoko talagang ipakita ang mga ganitong eksena sa inyo “Noon” pero isa sa natutunan ko sa buong paglalakbay namin na mas madaling maging totoo kesa pekein ang buhay na meron kami.
kaya mas marami ang gumagabay sa amin kung ano ang dapat naming idagdag, tanggalin at baguhin. Nagkakaroon kami ng iba pang perspective na kung minsan nari-realize lang namin dahil sa mga comments nyo kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng taong sumusubaybay at nag-iiwan ng comment sa aking mga videos.

Ngayong araw nga pala ay tulog pa kami pero bumyahe na ang Bahay Jeep, si Antet ang gumabay Kay Ramir kung saan kami pupunta, sya ang namalengke at sya rin ang nakipag-usap sa paparadahan namin. Habang kaming lahat ay tulog pa, sila ni Ramir ay abala para magkaroon na namin tayo ng magandang adventure.

31 Comments

  1. galing mag explain ni madam alpha marmi ako natutunan about solar solar iingat po kayo lagi sa mga massukal na ilog n pinupuntahan nyo ha tsaka sa malalamok na lugar iwas po sa dengue hirap po magkasakit tsaka mas ok if laht kyo nkavitamins para tuloy ang libot pinas Godbless you all po

  2. Okay may second upload. Ingat kayu sa baha at enjoy lng sa mga biyahe nio so far ma ulan.. Okay lng yan Kung makalat atleast ngagawa nio mga bagay na yan jan pag tapos. Always watching sa bahay na jeep. Gud day alpa

  3. kakapanuod ko sa bahay jeep vlog nio mas lalong gustong gusto ko ding tumira sa sasakyan.habang namumuhay naglilibot din sa iba't ibang lugar,nagi stay at nag eenjoy sa nature.nakaka relax yan.

  4. prang kaya pa lagyan ng isang layer ng lagayan ng bag s ibabaw ng upuan nyo , parang ung sa bus na may overhead board kada upuan.

  5. Ingat po kayo sa byahe Miss Alpha. Baka po next time ma-vlog nyo po kung bakit pinangalan kayo na Alpha hehe. Curious lang po kasi pang lalake ung name hehheheheheπŸ˜„ keep posting vids poπŸ’— ! we're here to support you and the rest of the team. πŸ‘ Sana maka-visit po kayo dito sa Dumaguete soon.

  6. Salamat sa mga video niyo. Will pray na sana mas lumago pa ang bahay jeep. Bahay bus na next time. Hehe God bless po sainyong lahat. Always watching from tondo po 😊 wag kayo mapapagod sa pag gawa ng mga videos. Marami kayong napapasaya. God speed!

  7. Suggestion ko add kayo ng wind turbine para kahit umaandar ang jeep or malakas ang hangin maka add siya ng harvest ng additional power… And also stationary bike na kapag pinedal mo is makakapag generate ng power pwede narin exercise

  8. Sayang dku kayo nakita mga lodi, tumigil pala kayo dto sa brgy. Alegria nung namili kayo sa palingki. Bz kc ako, narinig ko yung prino ng jeep nyo. Sabi ko baka yung bahay jeep na yun kc alam ko d kayo mkakadaan dun papuntang catarman. Bz kc ako kya dku kayo nakita.

  9. Ang galing niyo po mag explain, madam! ✨ Maswerte po ang family niyo sa’yo. Suggestion po to build more storage if may mapaglalagyan pa para hindi palaging nakakalat ang mga gamit. Dapat po may lalagyan each stuff. Naku, relate na relate po ako sa inyo na palagi naglilinis haha. Nakakamiss din si Via sa bahay-jeep. Napakasipag na bata. Ingat po kayo and enjoy the bahay-jeep life. 🩷

  10. Nice video again Alpha!🀩 ingat kayo lagi especially this bagyo season. Hoping for some sunshine in the horizon. β˜€οΈπŸŒž Love to all!🩷

  11. Kapag nagkaroon kayo nang badyet gumawa kayo nang mini storage for each member para may kanya kanya kayong lalagyan nang gamit

  12. I feel the stress of Alpha's doing the choirs on the day to day. Hope na makahanap kayo ng kapalit ni Via, Since mahirap talaga na mag isa sa gawaing bahay.

  13. Grabe ka mam alpha galing mo na lalo magexplain ingat kayong lahat dyan sana po minsan makita ko din kayo in person lalong lalo na ung bahay jeep

  14. Magaling ako sa math Pero hindi sa numbers πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚β€β€β€β€ ingat po kayo lagi mga kalibot

Write A Comment