MASAMIREY WHITE SAND BEACH IN SUAL PANGASINAN | MASAMIREY COVE RESORT | SUAL PANGASINAN BEACH
Kilala ang Sual Pangasinan sa mga bulubunduking zigzag road at ang Sual Power Plant na isa sa pinakamalaking coal-powered plant sa Pilipinas. Ang Sual ay isang first-class municipality na kalapit ng Alaminos City.
Sa videong ito ay ating dadalawin ang isa sa mga hindi pa masyadong kilalang coastal cove ng Sual, Pangasinan, ito ang Masamirey White Sand Beach. Kasama sina Khlei, Jay-R at ang aking bebeloves. Samahan niyo kami sa aming paglalakbay sa lugar na ito. Let’s Go!
Kung akala mo ang Sual ay isang natutulog na bayan, nagkakamali ka dahil isa ito sa mga bayan sa Pangasinan na likas ang itinatagong ganda ng mga atraksyon dito.
Mula sa Welcome Arc ng Sual, Pangasinan ay kailangan lang nating bumiyahe ng halos isang oras para makarating dito.
Sa ating paglalakbay ay madadaanan natin ang iba’t ibang landamark ng bayan na ito gaya ng Sual International Sea Port, ang Sual Municipal Hall at iba pa.
Pagkalipas ng ilang minutong biyahe mula sa bayan ng Sual ay mararating natin ang Flying V Gasoline station na ito at kakanan tayo rito.
Masarap magdrive sa lugar na ito dahil maliban sa tahimik at walang gaanong sasakyan ay madadaanan din natin ang mga nagtataasang mga Aroo Trees. Dahil dito, ramdam na ng bahagya ang malamig na simoy ng hangin dito.
Huminto muna kami sa bahaging ito at ito ang drone shot at pictures namin dito.
Tumuloy na nga kami ng biyahe at sa ating paglalakbay ay makikita ang napakalaking tore ng Sual Power Station. Ang coal-fired power station na ito ay pagmamay-ari ng Team Energy, isang kumpanyang itinatag bilang joint venture sa pagitan ng Marubeni Corporation at Tokyo Electric Power Corporation. Ang San Miguel Energy Corporation ay ang independent power producer administrator ng pasilidad mula noong 2009.
Ang Power Plant na ito ay tanaw na tanaw sa kahabaan ng Pangascasan Barangay Road o ang Sual Thermal Power Plant Access Road.
Itinuloy ulit namin ang aming paglalakbay at kitang kita ang mga naggagandahang tanawin sa ating paglalakbay dito.
Ilang sandal pa ay narrating na namin ang Masamirey White Sand Beach.
Sinalubong kami ng mga mababait na tagarito. At sa halagang 20 pesos ay makakapagpark ka na.
Hindi na kami umupa ng cottage dahil ilang oras lang naman kami dito. Umupa na lang kami ng papag sa murang halaga at dito na namin inilapag ang mga gamit namin. Kumain muna kami dahil tanghali na rin nang nakarating kami.
Ang Masamirey White Sand Beach ay isang tourist destination na matatagpuan sa Brgy. Baybay Norte, Sual, Pangasinan. Puti ang mga buhangin nito na mala-Boracay kung ituring. Isa itong cove kaya hindi maalon ang tubig nito.
Mula sa aming puwesto ay tanaw na tanaw rin ang Comas Island. Isang maliit na isla na parang burol kung titignan. Isa ito sa mga maaaring puntahan sa pananatili mo rito.
Ang secret destination na ito ay mayroon lamang kakaunting local na naninirahan dito, nangangahulugang mas maeenjoy mo ang lugar na ito ng tahimik at payapa. Sa tabi namin ay ang isang resort – ang Masamirey Cove Resort. Ito ang nag-iisang Beach Resort dito sa bahaging ito ng Masamirey.
Maraming aktibidad ang maaaring gawin sa Masamirey Beach gaya ng Banana Boat Riding, Island Hopping, Snorkeling, Fishing, at iba pa.
Pagkatapos namin kumain ay naligo na kami. Sinubukan naming sumakay ng Kayak. Sa halagang 300 pesos sa ordinary Kayak at 400 pesos sa Crystal Kayak ay maeenjoy mo na ang mahinahong dagat ng Masamirey Beach.
At narito ang mga kalokohang naganap habang kami naliligo.
At dahil first time ko mag-Kayak, hindi ako marunong mag-control kaya kung saan-saan kami tumutungo.
Tunay nga na biniyayaan din ang Sual ng magagandang tourist destinations tulad ng mga beach, waterfalls, cove at tropical islands.
Tulad ng Patar White Sand Beach sa Bolinao, Abagatanen White Sand Beach sa Agno at iba pang beaches ng Pangasinan, ang Masamerey White Sand Beach ay isa ring pampublikong beach. Hindi na kailangang magbayad ng anumang environmental o entrance fee para ma-enjoy at ma-explore ang beach.
Kita-kita ulit tayo sa mga susunod na lugar na ating bibisitahin. Ito po ang inyong Sirpogi ng Elyu na nagsasabing Earn, Travel and Chill. Hanggang sa muli, paalam!
Music used: Mercury by Infraction
This track: https://inaudio.org/track/mercury/
Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=tmkxlN115CM
#sirpogielyu
FOR SPONSORSHIP AND BUSINESS INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
✅EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
✅TEXT/CALL: +639102820549
✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU
5 Comments
Diyan din makikita ang Little Batanes of Sual sirpogi. Maganda diyan. Ingat sa biyahe lagi. 😊
Parang kakaunti ang tao. Ngayon ko lang nalaman na may ganyan palang nakatagong cove sa Pangasinan. Ang alam ko lang yung Cabongaoan. Btw, ingat ang enjoy!
Hahaha tawang tawa ako sa kasama niyong isa sir. Baka daw tumaob 😂 enjoy!
Takot na Takot Si Jay r hahaha
❤❤❤