Dahil kinailangan naming maghintay ng 1 oras pa bago dumating ang bus na sasakyan namin mula dito sa Katsuura Observatory papuntang Moriya Beach eh nagsidetrip muna kami. Ang lugar na ito ay matatagpuan lamang sa tabi mismo ng Katsuura Observatory na kung saan kapag low tide ay maaari kang maglakad lakad at manguha ng kung anumang sea creatures na natrap sa mga bato o seaweeds. Masaya rin itong ginagawa ng mga Japanese na nagsisilbing bonding ng mga pamilya.

AloJapan.com